ENVIRONMENTAL REPORT / WORLD WIDE EARTH DAY

Sama-samang pagkilos para sa kalikasan!

TINGNAN: Isang matagumpay na β€œTree Planting and Reforestation Activity” ang isinagawa ngayong hapon sa Green Breeze Village VI, Brgy. Biclatan!

Nagpaabot ng taos-pusong pasasalamat ang Akbay Kalikasan Environmental Society Management Inc. (AKESMI), sa pangunguna ni Chairman at President Prof. Julio Castillo Jr., kasama sina Sir John Rommel Garces ng HWPL Philippines at Lt. Governor Milo Bejosano ng Kiwanis International, sa patuloy na suporta ni Mayor Jon Jon Ferrer at ni Atty. Jemuel Bayot ng CENRO General Trias.

Pinatunayan ng mga volunteers na kapag nagkakaisa, may malaking pagbabago tayong kayang gawin para sa ating kapaligiran. Sa bawat punong itinanim, may pag-asang itinatanim para sa mas luntiang kinabukasan!