Linis Ilog sa Open Canal ng Gentri
Isasagawa sa Araw ng mga Puso
Nauna rito, matagumpay na naisagawa nina Prof. Julio Castillo, Chairman/President ng Akbay Kalikasan at EVP Alvin Fidelson ang Integrating Zero Waste and Source Sustainability Seminar noong February 07 bilang paghahanda ng komunidad sa paglilinis katuwang si Chairman Jowie Sinsay Carampot ng Brgy. Pascam II at Sangguniang Barangay (Brgy. Council).
Tinalakay dito ang mga detalye ng proyektong pangkalikasan na gaganapin sa Pebrero 14, bilang bahagi ng pagdiriwang ng Araw ng mga Puso. Pinasalamatan din ni KonsiKap Jowie Carampot si Gentri City Mayor Jon Jon Ferrer, CENRO at City GSO sa kanilang agarang suporta sa programang ito.
"Sama-sama nating ipakita na ang tunay na diwa ng Araw ng mga Puso ay ang pagmamahal na may malasakitβhindi lamang sa kapwa, kundi pati sa ating inang kalikasan." β Prof. Julio Castillo
Sa halip na tradisyunal na selebrasyon, layunin ng aktibidad na ipakita ang mas malalim na kahulugan ng pag-ibigβang pagmamahal sa kalikasan at sa komunidad. Sa pamamagitan ng proyektong ito, hinihikayat ang lahat ng residente na makiisa at maging aktibong kalahok sa pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan ng barangay.
Zero Waste Lecture Series
Akbaykalikasan (akesmi)
TAP AND CLICK THE IMAGES
Zero Waste Lecture Series














