2026 Event
TINGNAN: Sa pagpasok ng taong 2026, agad na isinagawa ng Akbay Kalikasan Environmental Society Management Inc. (AKESMI) ang isang courtesy call kay Barangay Captain Jowie Sinsay Carampot ng Brgy. Pascam II upang pag-usapan at pagtibayin ang mga detalye ng proyektong pangkalikasan na gaganapin sa darating na Pebrero 7 at 14, bilang bahagi ng pagdiriwang ng Araw ng mga Puso. Sa halip na tradisyunal na selebrasyon, layunin ng aktibidad na ipakita ang mas malalim na kahulugan ng pag-ibigβang pagmamahal sa kalikasan at sa komunidad.
Sa temang βPusong Kalikasan ni Konsi Kap sa Pasong Camachile 2,β isasagawa ang programang βLinis Ilog sa Open Canalβ na naglalayong linisin ang mga daluyan ng tubig at magtanim ng mga punla bilang ambag sa pangangalaga sa kapaligiran. Sa pamamagitan ng proyektong ito, hinihikayat ang lahat ng residente na makiisa at maging aktibong kalahok sa pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan ng barangay.
Sama-sama nating ipakita na ang tunay na diwa ng Araw ng mga Puso ay ang pagmamahal na may malasakitβhindi lamang sa kapwa, kundi pati sa ating inang kalikasan.